1 week kong ginamit yung prescribed medicine ni derma pero hindi naging okay, mas lumala yung nasa scalp ko. Kaya i was praying to the good LORD na tulungan ako kung kanino ako magpapatingin ulit.
Actually yung nagsisimula pa lang kumapal yung flare sa mukha ko may tatlo na akong doktor na choice na pupuntahan.
Derma- automatic kase skin disease.
Naturopath- Family friend and may record na ako sa kanya. Marami na din akong nadalang pasyente sa kanya na positive ang review at marami nadin ang gumaling sa kanya
Pranic Healer- Suggested by my bf's mama. Baka daw kase earthbound lang to na nakuha ko kung saan lalo na sa batangas daw ako naassign.
Pero si Dra Mich (Naturopath) talaga ang una kong gustong puntahan kaso mahirap makakuha ng schedule sa kanya. Tiyempuhan lang talaga na nasa clinic sya. Samantalang ang derma anytime pwedeng puntahan sa clinic.
Ano ba muna ang naturopathy?
The AANP (American Association of Naturopathic Physicians) ; naturopathic.org, defines naturopathic medicine as:
" Naturopathic physicians combine the wisdom of nature with the rigors of modern science. Steeped in traditional healing methods, principles and practices, naturopathic medicine focuses on holistic, proactive prevention and comprehensive diagnosis and treatment. By using protocols that minimize the risk of harm, naturopathic physicians help facilitate the body’s inherent ability to restore and maintain optimal health. It is the naturopathic physician’s role to identify and remove barriers to good health by helping to create a healing internal and external environment."
Finally nakakuha din ako ng schedule sa kanya.
Mga 15-20 minutes of interview. Kung nakapag patingin na ba daw ako sa derma and kung kamusta naman daw. Ayun sabi ko i was diagnosed with sebo psoriasis. and prescribe of meds. Kaso parang lumala lang yung sa sa scalp ko. Imbes na ilan lang naging buong hairline ko na ang naapektuhan. And wala daw akong allergy, pero bakit kapag kumakain ako ng chocolate nangangati ako tas kapag ininuman ko ng citirizine nawawala agad yung mga pula pula.
After thirty minutes of interviewing sinabi niya na thank you holy spirit, that was the time i told myself na i was in the right track. Dra is a born again christian and so am I.
Ang sakit ko daw ay autoimmune disease. Ang dahilan ay SIBO (small intestinal bacteria overgrowth) o leaky gut. Mahilig daw kase ako sa tinapay, junk foods fastfood at processed foods. Yun lang kase ang madaling kainin lalo na sa busy life. I was diagnosed with GERD pa ngayong taon din na to. So may problema talaga sa digestives system ko.
Yung leaky gut naman o nabutas na yung bituka ko dahil sa dami ng parasites. Yung parasites daw yun ung mga pagkain ng mga gluten/wheat processed foods at mga pagkain na hindi natunaw at hindi ko nailabas at nabulok. Naistock sila sa malaking bituka o kolon hanggang sa dumami
Yung mga kinakain kong gluten/wheat nung nakalabas na sila sa butas na bituka, hindi na sila kilala ng immune system ko kaya automatic silang inaatake. Kaya lumabas ang epekto nun sa balat ko.
Kaya eto naging reseta ko
PRESCRIBED MEAL PLAN
Iwasan
-Salty
-MSG
-chicken
-eggs
-wheats
-bread
-spread
-hotdogs
-tocino
-longanisa
-cold foods
-cold water
-all whites
More
-water every hour at daytime
-fresh fruits
-vegetables
-onions
-potatoes unpeeled
-baby carrots unpeeled
Bawal ang kanin na puti. Pwede naman ang red and brown rice.
PRESCRIBED HERBAL SUPPLEMENTS
WEEK 1
Pagalingin ang bituka at palakasinang immune system
✅ Shakeoff- Mag detox o cleansing the colon. Alisin muna ang dumi na nakabara sa ating bituka para madali na nitong maabsorb ang pagpapagaling ng chlorophyll.
✅Spirulina ito ay nakakagamot sa butas na bituka.
✅Splina tutulong sa pagcleanse , pagrestore at pag nourish ng immune system. Helps alkalizing the blood.
✅Omega 3. Para sa mga cramps habang ngddetox at umiiwas sa malansang isda.
✅Red Bubble Tea/ Bubble C - Vitamin C
✅Spiro Meals. Meals that heals. May sangkap din itong chlorophyll. Substitute sa pagkain na iniiwasan. Para hindi magutom habang naglilinis ng bituka.
✅Ganoderma- Enjoying coffee while detoxifying and healing the guts.
WEEK 2
✅Every other day na lang ang pag shake-off.
✅Spirulina
✅Splina
✅Omega 3
✅Bubble C/ Red Bubble Tea
✅Spiro meals
✅Ganoderma
Yung seb derm ko naman sa scalp ko i was advised not to use shampoo and conditioner, kase pwede daw nito ikalat yung bacteria sa anit ko. Zest of lemon lang daw ang pwedeng last banlaw. Asked her if pwede kalamansi, kaso hindi pwede mas tipid sana yun.
Wala daw akong pedeng ilagay o ipahid sa balat ko ng wala nyang permiso.
Stop googling na.
And i was diagnosed with dermatitis herpetiformis.
So i went home withount googling na kase satisfied ako sa naging check-up ko. And marunong din pala sya makabasa ng character, ginagawa at pati feelings mo na titingnan lang ang sulat kamay mo. Inaaral din daw yun.
Balik ako after 2 weeks. Magpapa request ako ng biopsy.
Professional fee- 500
Foods Supplements - 3500
Damage: Php 4000.00
Verse of the day.
Psalms 23:4
Even though I walkthrough
the darkest valley,
I will fear no evil,
for you are with me;
your rod and your staff,
they comfort me.
walkthrough lang ibig sabihin dadaanan ko lang tong sitwasyon na ito at hindi para tambayan.
See you on my next update `
No comments:
Post a Comment