Tuesday, December 6, 2016

Sebo psoriasis

Sebo Psoriasis

Kinailangan ko mag leave para makapag pa checkup. May second thought ako na kay doktora na lang.Kaso yung schedule nia sa hapon. Sa umaga lang ang available ko dahil  my seminar ako sa hapon. I prayed hard kung kanino ako magpapacheck up. Dahil sa seminar kaya pinili kong sa dermatologist na lang and went  there 1st thing in the morning.

And i was diagnosed with sebopsoriasis. He just looked at my face and my hairline.  And prescribed me of meds. Wag daw akong matakot kase gagaling nmn daw ako. Sabi ko di ba ang psoriasis hindi na sya curable pero it is controlable naman daw.

He prescribed me of steroid. and i asked him again, sabi  sa internet masama daw epekto ng steroid pero sumagot sya ng hindi lahat ng sinasabi sa internet totoo. And alam ko naman na totoo yun.

I asked him kung me allergy o kung me food ako na dapat iwasan. Wala naman daw. I can eat all i want. Kung pwede ko pa din inumin yung anti histamine ko, pwede naman dw.

Again he said "dont worry kase lahat ng pasyente ko gumaling sila and happy sila sa resulta. 2 weeks- 1 month magaling ka na. after 2 weeks balik  ka sakin pra tignan ko kung bababaan natin ang dosage mo o kung dadagdagan ko pa."

Lumabas ako  sa clinic ni dok  na masaya at full of hopes. Akalain mo yun mahigit 2 buwan kong pinoproblema,  in 2 weeks time gagaling naman pala basta susundin lang ang gamutan na sinabi niya.

Scalpex, hydrocortizone, erhytromycin,wound drying and clobetasol. 5 all plus professional fee cost me 2000 pesos all.

going home and excited. ginawa ko na ang regime na binigay ni derma.

Procedure:
For scalp
Every night shampoo hair with scalpex. ibabad ng 5-10 mins. saka banlawan.
ipahid ang erythromycin sa mga open wound.
ispray ang clobetasol sa mga close wound naman
Wound drying- d ko to nagamit

For face:
Mahilamos ( kahit daw ano so i bought cetaphil facing cleanser),
Ipahid ang hydrocortisone

Mga one week ko din ginawa . Pero may mga pula na pula na lumalabas sa mga braso at kapag uminom ako ng anitihistamine 1 click nawawala naman agad. Nung kumain ako ng chocolate ang kati ng balat ko. Nung kumain din ako ng tinapay na sinawasaw sa gatas ang kati ng likod ko.
Kaya hindi ako mapakali. I kept on searching kase hindi naman ganito ang psoriasis. After a week na pgaaply ng gamot lumala lang ung sa scalp ko na sobrang dry. ung sa face ganun padin .walang improvement kumakalat padin ung red and dryness ng  skin ko.


Contradicting ung sinasabi ni internet at ni derma. Kailngan ko ng kasagutan.