Sunday, March 5, 2017

Healing my psoriasis lesions from inside out


              


"Let food be thy medicine and medicine be thy food" - Hippocrates


Nung galing ako kay naturopathic dr. napatuloy ko naman yung binigay niang substitute meals nia sakin.  Kaso nung ngbakasyon kami for 1 week sa bicol dumami pa din ung spot sa mukha ko, braso at legs ko.

May healing crisis pala talaga na tinatawag. Tuloy tuloy kase ang detox ko nun. Kapag pala hindi na kinakaya ng colon ilabas ang toxic tinutulungan sya ng skin para ilabas ang mga toxic sa katawan. Kaya mas lalong lumala ang kalagayan ko.  Nilalabas pala lahat saka siya bubuti.

 Dahil sa panic pumunta kami sa allergologist baka allergy or kung ano daw talaga ngttrigger. After skin patch testing sa dustmite and dust ako allergy.  Wala daw allergy sa food kaya walang bawal.

Bale 2 weeks akong hindi kumain ng normal foods. Kaya masaya na wala palang bawal, kumain din ako ng cake. Pero ang ang mga pinagbabawal na food pala hindi talaga sya makikita sa allergy skin test patching.

4 na klase ng antihistamine pati antibiotic and topical na pampahid na din and nireseta sakin. ung topical mixed sya ng antibiotic,steroid.  Naipahid ko naman pero hindi ko nasunod ang tamang schedule. i was devastated just to see my sugat at that time kaya laging lang akong naka pajama. Every 4 days pa nga ako bago maligo. Hindi din ako nakabalik sa kanya kase malayo ang hospital na yun sa place ko. I called pastora mayet telling her nadedepress na ako. And she called, telling me na makakasama sa immune system ko ang madepress dahil mag prproduce daw yun ng bad cell at lalo akong mgkakasakit. Sakit lang daw to sa balat, at hindi cancer. Marami naman daw ang gumaling dito. Dadalhin daw nia ako sa hospital na pinagtatrabahuan niya . Magaling daw ang derma dun dahil ang mga residents doctor dun ang umiikot din sa ma malalaking hospital gaya ng pgh. Ayun kahit malayo and every tuesday lang ang schedule. Hindi pa naman ako nakakalabas na kase yung sa mukha ko covered na.

Ayun nakapunta ulit ako sa derma, and prescribed me ng prednisone tablet and eczekleen soap and eczekleen ad cream na nilagyan ng prednisone (prednisone is a steroid).

 That was before christmas, and after nun pupunta sya with his family abroad and three weeks sila. After 3 weeks na ulit ang next follow up check up ko.

Infairness ang hirap hanapin ng eczekleen kailngan pa oredrin online, hintayin pa ang pagdeliver. Dermatologist lang daw kase talaga merong eczekleen na stock pero since sa public hospital ako nag pacheck-up sa kanya at hindi sa clinic niya kaya pinabili niya na lang ako sa labas.

Nung pinahid ko na yung cream, nagkatihan yung mga sugat ko at nagtuklapan na sila, at hala nag itsura na silang psoriasis. Di padin ako nagppabiopsy. Ang kati kapag nilagyan ng cream. Lalo na yung scale nia sobrang kati kaso hindi pwedeng kamutin kase magdudugo. Dry kase yung scale niya parang carpet na kapag kinamot ung hibla ngdudugo. At lumalaki sya habang kinakamot kase naaapektuhan yung katabi nyang balat kaya ayun patuloy sa pagkalaki at pagkati.

                                         Nung natuklap yung mga balat. Sobrang kati ng scale niya.


Same spot. Lumaki na ang mga lesion dahil sa kakamot ko. Same status, super duper kati parin.


After further researched, i found out about dead sea salt. Ayun nagpabili ako sa kapatid ko and himalayan salt ang nahanap niya, which is good din naman.

Di ko  na rin muna ginamit ang sabon kase ang sakit ng mga sugat ko sa legs, after kong kamutin sila ng magdamag.

After 3 weeks na pag inom ng tapering prednisone pinatigil na yun ni dok. Nung nag tatake ako ng prednisone sobra akong gutom na gutom. Nanginginig ako sa gutom twing kakain. Three times a day akong kumakain ng kanin bago uminom  ng gamot.

Twing gabi di ako makatulog, ang pinakamalala e yung 7am na gising padin ako. Minsan 3 hours sleep lang ang tulog ko .Wala akong ginawa sa magdamag kung hindi magkamot kaya naglakihan lahat ng lesion ko. Uminom nadin ako ng atarax, pinakamatinding pang induced daw ito ng antok pero hindi padin ako makatulog. Pero kahit sa hapon hindi ako inaantok. Sobra sobra ang energy ko, nakapag run pa nga ako sa gabi. Nawala din kase ang sakit ng tuhod ko at yung mga naglalabasang arthrithis. pero nakakatrauma padin naman talaga.

Follow up check-up ko di na muna ako bumalik kay doktor. Ang aga kase ng schedule nia sa hospital kailngan 5am umalis na ng bahay e hindi pa ako nakakatulog nun. Yung driver na pinsan ko nawawala pa yung lisensya. Sa itsura ko ayaw ko muna mag commute.

Subukan ko muna ang strict compliance na diet, supplement , ligo sa asin na may himalayan salt and mag dedetox muna ako.

Ayun maghapon na akong tulog. Parang bumawi ako sa tulog ng mga nagdaang araw.



Regimen

Kaya ang ginawa ko, sa umaga naliligo ako ng medyo mainit init na tubig na nilagyan ko ng himalayan salt. Walang sabon. Kuskos lang ng buong katawan. Tas tubig na galing sa gripo ang pang banlaw. Every other day nagsasabon ako ng edmark splina soap. Masakit kase sa sugat yung ezechleen soap e. It heals better daw when it stings pero ang sakit talaga, feeling ko mas kailangan ko ng relief. Pagkagaling sa pagligo ilang minutes ko muna magagalaw ang legs ko dahil sa hapdi. Mga open wound ng pagkamot ko ng magdamag. Yung splina soap naman okay lang. Tska nireseta din naman yun sakin ni naturopathic doctor.
Ayan na sila after a day ng pagligo sa asin at pag maintain ng moisturiser. Nawala na sa wakas ang kati.



Pagkaligo, habang mamasa masa pa ang balat pinapahiran ko sila ng phikraft lotion, para ma retain ung moisture ng balat. Saka ko papahiran ng virgin coconut oil na may patak ng tea tree oil.

Ayun nawala ang kati. So refreshing at hindi masakit sa mga sugat. yung eczekleen naman, since wala pang budget pinalitan ko na lang muna ng virgin coconut oil na may patak ng tea tree oil. After nun mgpapajama na ako at magsusuot ng long sleeve para maseal niya yung moist.

After mga ilang minutes yung scale niya namumuo na, at madali na syang tanggalin. Hindi na ako nageexpoliate since buo na yung scale at madali ng kunin.
At hindi na sila mukhang galit na namumula. for the first time nakatulog na ako ng hindi nagkakamot.




Daily Supplements

Sa supplement naman, patuloy padin ako sa spplina chlorophyll (50ml before meals) pati sa gabi para sa pag alkanize ng dugo ko. Over night it alkalizes and brings fresh oxygen into the blood. And supplement nadin sya kahit hindi ako nakakain ng gulay my cholopyhl akong iniinom. Mas nabubuhay ang toxic sa maacidic na dugo kaya kailngang balance ang alkaline at acid sa ating katawan.



Spirulina- superfood, kailngan makabawi ng lakas ang katawan mula sa puyat at ito ay mabisang panggamot ng pamamaga ng bituka.

Omega3- reduce skin imflammation
Himalayan salt- may mineral na magnesium na nakakatulong sa pamamaga ng bituka
Turmeric tea - pang detox ng liver
Shakeoff- pang detox ng colon/ malaking bituka. dito kase naiipon ang mga toxic na hindi agad nailalabas. Umiinom ako nito every after 3 days.

Bubble C - para makabawi ang immune system.
Red Bubble Tea- milk tea sustitute sa kape.



Foods.

Kamote, apple saging na saba na hindi niluluto ang lagi kong foods. di ko alam kung anong foods ang nagtrigger pero kase nung pasko, kinain ko lahat ng pwede kong kainin plus pasalubong ni bf na krsipy kream.  Ayun after ng holidays pati sa leeg at likod meron nadin ako. Kaya goodbye sweets na muna. see you na lang ulit kapag nagamot ko na ang aking dapat gamutin. Sweet tooth pa naman ako. Iba-iba kase ang bawat tao ang nagttrigger sa iba pwedeng sakin okay. Kaso bawal talaga ang sweets.

Nagiisda padin naman ako and manok pero iwas lang sa balat ng manok. At meron akong double sided pan na pwede magluto kahit walang mantika. Iwas fried foods nadin.


Fried fish and barbecued chicken using double sided pan. No oil at all. 



No red meat at all. Mahina daw ang panunaw ng mga taong may psoriasis.

Yung pag-inom pala ng spirulina at chlorophyll 30 minutes before kumain para magkaroon ng enzyme sa ating katawan na tutulong sa pagtunaw ng ating kakainin.

Ngayon sa lahat ng bagay at panahon lamang ang may alam. We are what we eat.
Disease cannot live in a healthy body. Kaya we need to take suppplements na makakatulong sa ating mga organs at hindi para ito ay sirain.

Activity

I run every other night.  I downloaded apps from google play para sa bahay lang.
Nagpapaaraw ako twing alas dos ng hapon. Mga 30 counts lang.
hanggat makakaya 3 liters ng tubig ang iniinom ko everyday
Iwas stress. Sino ba makakaiwas dun pero kailangan. Our daily bread ang devotion  ko every day. Sabi nga ni ate mayet everytime panghihinaan ka ng loob just pray to God, like what His disciple prayed for, "please increase my faith". Ayun lang. hanggang maramdaman mong kaya mo na ulit. strengtehn ka na ni God.

                                             Clear na din sa wakas. Konting arya na lang. Ready na for summer.            Pwede ng mag short ulit.




Hanggang sa muli.
joanne