Saturday, November 19, 2016

Sulfur on my Scalp and Face

First time ko na may ilagay na gamot sa mga sugat ko. Kase evertime na nag google ako yung klase  daw ng seborroihc dermatitis na meron ako kay severe na, at klase ng hindi ginagamot. So ngayon ung feeling na gagamutin ko na sila.

Pero nag google muna ko kung relatively ba na nkakagamot ang sulfur sa seborhoic dermatitis. i actually found the yellow sulfor on ebay and okay yung review. So medyo promising ang product.

So dahil na excite ako sa mga nabasa kong mga review,  kahit mag isa lang ako nilagyan ko lahat (magpatulong daw kase ako sa mga sugat sa ulo ko na hindi ko naaabot). Kahit yung nasa tuktok ng ulo ko. 

Ingredients:
Yellow Sulfur
Olive Oil

Procedure:
Dapat mas lamang ang ratio ng sulfur kesa sa olive oil.
Maligo at maghilom ng mukha.
Ipahid ng direkta.

Nung natuyo ung powder ng sulfur ang kati, kaya ang ginawa ko binrush ko yung buhok ko at nagbanlaw.

Ayun, ang baho ng ulo ko. Tumagal ng mga isang linggo. Humalo pa yung amoy sa kumot sa bedsheet pati sa punda ng unan. Amoy katialis na ewan. Nag dry lang yung sugat sa ulo ko at sa face. Isang beses ko lanh sinubukan. Bale may 2 pa akong sachet.

Lesson learned:

Stop diagnosing myself kase lumalala ang mga sugat ko. Sa wednesday mag papa derma na talaga ako.

Seborrheic Dermatitis on my face and scalp

Its been a month since these scale been visible to my hairline.because we have dog at house At first i just thought it was just an insect bite since i got bites on my legs . Second week  nung hinawakan ko ung ulo ang daming bukol , pinkish daw sabi ng friend ko kaya pinalagyan ko sa knya ng apple cider vinegar bka skaling mapatay ng acv ang mga insekto. Ang kati.pinaka una kog nilagay petroleum jelly sa gabi bago matulog. Then sa umaga pagligo, ung shampoo organic pra walang kung anong kemikal. Lumalambot na sila so by the time na susuklayin ko malambot na ung scale and sumasama na sila  sa suklay, peo dpa din ako napapakali nun kakamutin ko padin hanggang humapdi na yung anit ko at dumugo.

So pagdating sa office since nasa cubicle ako, ung mga natira na may mga balat padin, kakamutin ko padin un. Kase ang aim ko nga ay ubusin ung balat na makapal, at sobrang kati din talaga. Minsan hindi ko tititgilan hanggang hindi ko nakikita ung dugo sa kuko ko.

Nagsesearch nadin ako kung anong meron sa ulo ko bat ang dami kong sugat. Para sakin kase sugat sya na nglalangib. Pero kapag kinalkal namn balat sya na kung titingnan mo e balakubak. at yung loob niya may liquid na madulas.

Nabasa ko sa net na contact dermatitis daw. Kaya naisip ako kung anong pwedeng maging dahilan. Dahil kaya na may 1st time akong ginamit na ibang shampoo. Recommended ng office mate ko, anti hairfall daw yun  at organic dahil may malunggay daw. Nung ginamit niya daw ay konti na lang natatanggal sa buhok niya. So kahit medyo may kamahalan sya compare sa ibang shampoo, ngtry ako kase bakasakali.

So yung shampoo na un ang naisip ko. Kaya balik na lang ako sa dati kong shampoo and yung binili kong pressure pan sa isang networking e may libreng organic na shampoo na kahit hindi na idilute sa tubig pwede ng gamitin. Kaya ayun na lng ang ginamit ko.

Nga pala, my balat din akong nakukha sa magkabilang gilid ng ilong ko. Everyday din kinakalkal ko kase parang everyday din sya ng tinutubuaan ulit ng balat.

Ayun lang scenario ko paikot ikot hanggang umabot ng isang buwan.

Then there this one time napanuod ko sa salamat dok sa abscbn, about sa psoriasis ung topic. May payo ang doktor, may kwento galing sa mga pasyente at may question and answer. Ang tumatak sa isip ko. Hindi psoriasis ang sakin ko since makati sila, ang psoriasis mahapdi daw ung mga balat nila. And nagpayo si doktor na lagyan daw ng virgin coconut oil ung mga sugat nakakagaling daw.

Pagkagabi nilagyan ko kaagad sila. Nakakrelieve kase medyo nawala ung mga kati. Kaya kinabukasan same ulit, lumalambot ung mga balat at tatanggalin ko ulit sila. Mga dalawang gabi ko naging regimen yun.

Search padin ako sa internet kung ano ang sakit ko kung among meron at ano ang dapat gawin. Nang  may mabasa ako na kung gumagamit ka ngayon ng khit anong oil sa ulo ko itigil mo na agad dahil lalong lalala ung mga sugat ko. And finally, nakita ko na kung anong tugma sa sakit ko, accdg padin sa blog na yun. Seborroic dermatitis daw. At my bacteria daw. Gagawing food lang daw ng Mallassezia yeast yung coconut oil at lalong lalala ung mga sugat ko.
Kaya nxtday d na ako ulit naglagay.

Di padin ako nagpapaderma dahil na assign ako sa province.

1 week na wala muna akong nilalagay. 


Eto ung  mga napansin ko.

Nangangati kapag basa, kaya wag matutulog ng basa ang buhok.

May isang beses kase akong nakitulog sa bahay ng isang friend ko. Nakaelectric fan lang kami and mainit padin. Pinagpawisan ung ulo ko and stress nadin cguro sa init ayun sobrang kati, nagkamot ako ng nagkamot haggang ngdugo na ung tuktok ng ulo ko.

Kapag malamig naman, kumakapal yung balat then magccrack tas ayun magdudugo na ulit. Kase sa office sobrang lamig ng aircon kaya palagi nagngangapal pati ung sa gilid ng ilong ko.

Isang beses nasilip ng friend ko ung sugat sa may noo ko. Sinabi niya na baka daw maysakit ako. Kaya bigla kong naisip yung family friend na nagtratrabaho sa hospital. Kaya lang wala daw derma sa general hospital na pinagtratrabahuan niya. And kung sugat daw me ibibigay daw sya saking gamot, galing America. Madami nadw syang nabigyan at gumaling naman daw.

 Kaya mamaya pag-uwe ko susubukan ko.